Ruffa Gutierrez, pinalayas diumano ang dalawang katulong dahil hindi umano nababayaran ng tama.
"My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?"
Ito ang blind item na naunang tweet ni Atty. Rowena Guanzon at kasunod nito ay isa pang tweet niya kung saan niretweet niya ang una niyang post at may caption ito na, "Ms Ruffa Gutierrez, is it true?".
Marami ang nagulat at di inaakala na si Ruffa Gutierrez pala ang tinutukoy na umano'y among nagpalayas ng katulong at di binayaran ang sahod.
As expected, may mga kumampi at meron din namang humusga. Agad namang nagpaliwanag ang aktres.
"No, it's not true.", ayon kay Ruffa Gutierrez, they're always very generous to all their kasambahay, they are all treated like family. Kaya naman ang ilan sa kanila ay tumatagal ng 13-35 years.
Almost 2-weeks palang diumano sa kanila ang dalawang baguhang kasambahay ngunit inaaway na nila ang kanilang mga kasamahan. Isa na ang 68-years old na mayordoma na 18-years nang naninilbihan sa family ni Ruffa.
They demand to leave ngunit dahil nangyari ang gulo while nasa taping si Ruffa, sinabihan umano niya ang dalawa na antayin siyang makauwi para makapag-usap sila.
Ngunit umalis ang dalawa ng wala si Ruffa Gutierrez sa bahay. "Let me clear po: I did not fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night.", pagkaklaro ni Ruffa.
Ngunit dahil na rin sa kasalukuyan niyang pagganap bilang Madame Imelda Marcos sa pelikula ni Darryl Yap na "Maid in Malacanang", hindi maiwasan na ikompara ng mga anti-marcoses ang nangyaring ito kay Ruffa Gutierrez sa character niya sa naturang pelikula.
Ayon sa isang comment, pinaninindigan diumano ni Ruffa Gutierrez sa totoong buhay ang karakter na ginagampanan niya.
May nagsasabi ring hindi sapat ang talent fee ni Ruffa Gutierrez kaya di afford bayaran ang mga katulong. Which sides of the story ang dapat nating paniwalaan? Kayo na po ang bahala!
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!