Ruffa Gutierrez Lalong Binash Sa Kanyang Asal Kanto Post!

Huwebes, Hulyo 14, 2022

/ by Lovely

Mainit ang mga mata ngayon ng mga bashers kay Ruffa Gutierrez dahil sa controversial movie na kanyang kinabibilangan. Siya ang gumanap sa  papel ni dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacanang.

Bagama't malayo pa ang showing nito at umani na iyo ng samu't-saring mga komento mula sa mga netizens. May mga natutuwa ngunit may ilan namang hindi ito nagugustuhan lalong-lalo na ang mga kalaban sa politika ng pamilya Marcos.

Tila isa sa mga ito ay si Rowena Guanzon na kilala bilang solid supporter ni dating VP Leni. Tila ito ang dahilan kung bakit dinadawit nito ngayon ang pangalan ni Ruffa bilang isang masamang employer.

Dahil sa mga pambabatikos at bashing na nararanasan, naapektuhan na rin ang TV Host-actress at nagbabahagi ng mga cryptic posts sa kanyang social media. Matatandaang post ni Ruffa,

”Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag-aralan nga, asal kanto naman. Gosh.”



Bagama't hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ni Ruffa sa post. Marami naman ang nag-comment at ibinalik sa kanya ang kanyang pahayag.

Komento ng ilang mga netizens, may iba umano na galing sa kaban ng bayan ang ginasto sa pag-aaral ang ending naging college drop-out pa.

Ilang mga netizens ang binabatikos at tinawag si Ruffa ng kung ano-ano dahil sa sarili niyang cryptic post.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo