Ruffa Gutierrez Nahaharap Sa Bagong Kaso, Ipapakulong Ng Mga Kasambahay!

Huwebes, Hulyo 21, 2022

/ by Lovely

Dalawang kasambahay ni Ruffa Gutierrez pormal nang naghain ng kaso laban sa aktres-TV host.

Pormal nang naghain ng reklamo ang mga dating kasambahay ng aktres na si Ruffa Gutierrez, ito ay ayon kay Rep. Rowena Guanzon nitong Miyerkules July 20.

Sa Tweet ni Guanzon, dumulog sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang mga naturang kasambahay dahil sa pagpapalayas umano sa kanila ng hindi sinuswelduhan.

"The 2 former kasambahay of Ruffa G na taga-kabankalan Negros Occidental filed a complaint in the NLRC for backwages and damages."



 Kalakip naman nito ang screenshot ng convo nila ng isang Rey Segubiense 2017.

Matatandaang, unang ibinulgar ni Guanzon ang tungkol sa 2 pinalayas umanong kasambahay ni Ruffa sa pamamagitan din ng isang Tweet. Agad naman itong itinanggi ni Ruffa at sinabing ang dalawa ang nagdesisyon na umalis. Ayon pa kay Ruffa, nagsimula umano ang dalawang kasambahay ng gulo sa kanilang bahay at maging ang senior citizen nilang Mayordoma ay dinamay din ng mga ito.

Samantala, dahil sa kasong isinampa ng mga kasambahay, iniimbitahan si Ruffa na dumalo sa isang concialation conference meeting na magaganap sa July 27, 2022 sa Quezon, City. Dito ay maghaharap ang magkabilang panig upang pag-usapan at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan para hindi na umabot pa sa korte.

Sa pagkakataong ito ay makakaharap na ni Ruffa kasama ang kanyang abogado ang dati nilang kasambahay na nagdidiin sa kanya kasama naman ng mga ito si Rep. Rowena Guanzon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo