Pinag-uusapan ngayon ang singer na si Ryssi Avila nang sumali ito sa Idol Philippines at kantahin ang hit song ng sikat na rapper na si Skusta Clee na Zebbiana. Alam naman natin na ang kantang ito ay para sa ex-partner ni Skusta Clee na si Zeinab Harake.
Ayon sa mga netizens, kinanta umano ito ni Ryssi dahil sa pagka-miss kay Skusta na may bago nang girlfriend na si Aira Mae Lipata.
Matatandaang na link si Ryssi noon kay Skusta at siya ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Skusta at Zeinab. Ngunit, mariing itinanggi naman niya ito.
Sa ngayon ay advanced si Ryssi ng 2 steps dahil nakuha niya ang platinum ticket ni Moira. Marami na rin ang nag-aabang sa kanya dahil sa husay niyang kumanta.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!