Very emotional ang aktres na si Sanya Lopez matapos pumanaw ang aso nitong si Jong Jong.
Makikita sa latest Instagram post ni Sanya ang series of photos ng kanyang pet dog kung saan sa dulo ay luhaan ito while touching it.
“Jong Jong, sobrang mami-miss kita. Wala nang makikipag-unahan sa akin sa treadmill. ‘Yung ikaw lang ‘yung laging nakatingin sa camera kapag may picturan na. Ikaw ang laging unang nakakaramdam kapag may pinagdadaanan ako. Wala nang manonood sa ‘kin at ikikiss ako kapag umiiyak ako. I love you so much, Jong Jong. Sobrang sakit na mawala ka sa amin. Thank you sa panahon na pinahiram ka sa amin para pasayahin kami. I love you Jong Jong,” emotional na caption ni Sanya sa kanyang IG post.
Nakiramay naman sa aktres ang mga kaibigan nito gaya nina Jak Roberto, Ashley Ortega, at Kakai Bautista.
Rest well, Jong Jong. Truly, it is painful to lose a furr baby.
Anong masasabi mo sa balitang ito?
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!