Robin Padilla, pinagsabihan ang mga namumuno sa Paranaque City dahil sa mga sirang kalsada.
Ayon sa senator ay matagal na itong hindi naaayos kaya nanawagan siya na sana'y bigyang pansin ito lalo na at dinaraanan ng maraming motorista ang nasabing lugar.
Live sa Facebook page ni Senator Robin na inihayag niya ang kanyang hinaing.
"Matagal na po namin itong tinitiis. May lawa po dito. Humihingi po kami ng pansin sa Paranaque city dahil sandamakmak ho ang dumadaan sa intersection na ito araw-araw."
"Nananawagan po kami sa Paranaque city, kung kanino man itong jurisdiction, paki-espalto naman. Pambihira, ang tagal na po nito!"
"Nakikiusap po kami, maawa naman kayo sa motorista dito. Hindi ko na po matiis."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!