Senator Robin Padilla Umaming Nahirapang Intindihin Ang Mga Debates Sa Senado!

Biyernes, Hulyo 29, 2022

/ by Lovely

Umamin si Sen. Robin Padilla na nahihirapan siyang intindihin ang mgad ebate sa senado kung saan puro English language ang ginagamit ng mga kapwa niya senador. Ngunit kahit hindi niya naiintindihan ang ibang malalalim na English na ginamit sa senado, sinabi nitong nakasulat sa journal ang naging usapin upang kanyang mapag-aralan at maintindihan.

"Kailangan ko lang mag-adjust. Hirap talaga ako dun sa Inglisan na malalalim. Lalo na yung mga usaping legal. Hinihingi ko talaga yung sa aking team na bigyan ako ng written, kung ano ang mga pinag-uusapan dun at pag-usapan namin ng Tagalog, kasi mahalaga sa lahat maipaliwanag ko 'yun sa taumbayan kung ano ang pinag-usapan dun."



"Nahihirapan lang ako pag nag-e-Englishan na, medyo 'pwede dahan-dahan lang? Ganon. Kaya mahalaga 'yung journal eh, kaya binabasa ko 'yung journal kasi nandun lahat eh, mahalaga 'yun," dagdag pa ni Sen. Robin.

Ayon pa sa Senador, nakatunganga siya habang nakikinig at tumatango na lamang. Ngunit nasa isip niya, na maiintindihan niya rin ito sa kanyang gagawing pag-aaral kinabukasan.

Ang journal ang unang hinahanap ni Robin sa pagpasok niya. Paglilinaw naman ni Robin na may naiintindihan naman siya kahit papaano.

"Hindi naman lahat hindi ko naiintindihan. Kapag gumamit lang sila ng mga English na pang-dictionary, marami talaga e. Ang journal ko, may mga linya. 'Pag may linya 'yun ibig sabihin kailangan ko ng dictionary."

Una ng sinabi ng senador na Tagalog ang gagamitin niyang language sa pakikipagdebate sa senado. Kaya naman, kahit hindi mapigilan ni Robin ang iba sa paggamit ng wikang English, ginagawa nito ang lahat ng makakaya upang maintindihan ang mga usapin sa senado.

Ayon naman ng ilang mga netizens, hindi ang pagsasalita at pagkakaintindi ng English ang basehan ng talino sa isang tao. Dagdag pa ng ilan, na 'yung iba namang pulitiko na magaling mag-English magaling rin sa pangungurakot.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo