Sinupalpal Ng Isang Abogado Si Janno Gibbs Tungkol Sa Mga Pahayag Ng Singer Sa Pagbabayad Ng Buwis!

Biyernes, Hulyo 8, 2022

/ by Lovely

Matapang na pinagsabihan ng isang abogado si Janno Gibbs ukol sa mga naging pahayag nito patungkol sa pagbabayad ng buwis.

Naging isyu rin sa social media ang post ni Janno Gibbs tungkol sa pagbabayad ng buwis sa Pilipinas. Hati, ang opinyon ng mga netizens sa Instagram post nito, kung saan sinabi niyang,

"Bayaran na naman ng tax. Buti pa mahirap, walang babayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa, middle class, walang takas. Buti nalang wala akong trabaho."



May kalakip din itong rolling floor emojis. "Bwesit," aniya pa.

Nagreact naman ang isang netizen rito at minura ang veteran comedian-singer. Ni-repost naman ito ni Janno at binuweltahan.

Samantala, sa Facebook pinangaralan naman ni Atty. Nick Nangit nf NCL Law si Janno Gibbs hinggil sa pagbabayad ng tax at nagbigay pa ng anim na punto.

"1. Anong tax yan e simula pa lang ng buwan? Kung withholding tax yan, e recipient ka lang, so ang payor ang mag wi-withhold ng tax. Bakit mo poproblemahin? Maka mema ka, wagas!

2. Tamo, wala talagang babayaran ang mahihirap kung hindi sila kumikita ng lalagpas sa 250k sa isang taon. Pasalamatan mo si PRRD, dahil ginawa niyang urgent ang TRAIN Law, kaya ipinasa agad ng Kongreso. At kung itinutumbok mo naman si BBM, ibinasura na ng Korte Suprema ang mga petisyon na ume eme emeng tax evader siya. Magbasa ka!
3. Pero, wait, ang binubuwisan ay kita, hindi dahil mahirap o mayaman. Kung walang kinikita, mahirap o mayaman man, e di walang buwis. Malay mo kung palamunin lang sila sa loob ng isang taon?! Stew feed na bansot!
4. Ang mayayaman nagbabayad din ng buwis. So, anong may paraan? Iba ang mga korporasyon sa mga indibidwal na nagbabayad ng buwis. At hindi yan dahil mayaman o mahirap sila! Saang multiverse mo natutunan yan? Btw, kahit bansot, may bidyo ka nga pala?! Dakilang iskandalosa!
5. Lahat binubuwisan, basta't may kita. Ke purita, middle class, o mayaman, obligasyon yan sa Estado! Lahat ng Estado sa buong mundo ay naniningil ng buwis. Paano mabubuhay ang pamahalaan kung walang buwis? Ganun din sa pamilya! Paano mabubuhay ang pamilya kung walang kita ang nagtataguyod nito? Despwes, kmusta na kayo ni Bing?
6. Kahit wala kang trabaho, nagbabayad ka pa rin ng buwis! Ungas nato! Kumakain ka, bumibili ng basic needs sa supermarket, at tumatawag sa telepono. Sa tingin mo, walang buwis na ipinapasa sa iyo ang mga suppliers at providers? May tinatawag na "liability for tax" at "burden of tax". Syempre, hindi mo yan alam at hindi abot ng utak mo ang kaalaman na yan, kaya dakdak ka na lang ng dakdak, at baka sakali nga namang may maawa sayo at bigyan ka ng trabaho?!
Mag banat ka ng buto, hindi yung e ema para may ayuda, tongue in ah!"

Samantala sa Instagram naman ni Janno Gibbs, humingi ito ng paumanhin sa kanyang mga followers at sinabing sa susunod puro positive na lang ang kanyang ipopost.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo