OPM Rapper na si Skusta Clee, inaming namimiss na niya si Baby Bia at dating partner na si Zeinab.
Sa Twitter account ni Skusta Clee ay nagpost ito ng yellow heart at sa kanyang IG stories naman ay nagbahagi ito ng isang larawan ng kanyang anak na si Baby Bia. Kaya naman marami sa mga netizens ang nagsasabing tila namimiss na ni Skusta Clee ang kanyang anak at si Zeinab.
Subalit ang ibang mga netizens ay hindi kumbinsido sa ginawang ito ni Skusta Clee. Ayon sa kanila ay nagpapatrending lamang ito upang muling pag-usapan. Isang strategy lamang umano ito para sa kanyang ire-release na bagong album.
Nitong nakaraang araw ay ibinalita ni Skusta Clee sa kanyang mga fans na may ilalabas siyang album. Ipinarinig pa ni Skusta ang ilang clips sa kanyang bagong kanta.
Samantala, marami sa mga netizens ang humahanga sa ka-cute ng anak nina Skusta Clee at Zeinab Harake na si Baby Bia. Masayang ibinahagi ni Zeinab na mayroon nang mahigit isang milyong followers si Baby Bia sa kanyang social media accounts.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!