Skusta Clee Nagbigay Ng Nakakagulat Na Mensahe Para Kay Zeinab Harake!

Biyernes, Hulyo 8, 2022

/ by Lovely

Kumakalat ngayon sa social media ang naging mensahe ni Skusta Clee para kay Zeinab Harake. Sa nilalaman ng mensahe ni Skusta Clee para kay Zeinab, nagpasalamat ito kay Zeinab sa pagiging ina nito sa anak nilang si Baby Bia.

Hangad din umano niya ang kaligayahan para kay Zeinab kung sakaling makahanap ito ng bagong iibigin. Nagsorry rin ito sa vlogger sa lahat ng kanyang pagkakamali, lalong-lalo na sa kanilang anak na si Baby Bia.

Hiniling din ni Skusta na sana'y makausap niya si Zeinab sa tamang panahon.

"Hi. Nakikita kong okay kana at masaya. Sana magtuloy-tuloy na 'yan. Pasensya ulit hindi ako naging perfect partner para sayo.. mas may deserve pa ng kabutihan mo. Pasensya na ulit kung naligaw ako ha. Kayo pa rin ang lakas ko. Hinahangad ko parin ang kaligayahan niyong mag-ina. Sana makapag-usap tayo ng tayong dalawa lang hindi man ngayon, sa pinaka tamang panahon na tayong dalawa lang para sa anak natin. Salamat sa pagiging nanay kay Bia. Di man ako naging perfect partner sayo. Pero kung bibigyan mo ko ng pagkakataon gusto kong maging perfect na tatay. Ano man ang mangyari sayo at sakin. Andito pa rin ako.. pinapangako ko na kung wala kanang matakbuhan andito ako lagi. Enjoy ka na sa life mo pinagdadasal kita lagi. At mahal na mahal kita. Pasensya ulit."



Marami naman ang nalungkot sa mensaheng ito ni Skusta Clee para kay Zeinab, lalong-lalo na ang kanilang mga fans na nananatiling umaasang magkakabalikan pa ang dalawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo