Sumabog Sa Galit Si Donnalyn Bartolome Dahil Sa Character Assassination Laban Sakanya!

Biyernes, Hulyo 1, 2022

/ by Lovely


 Donnalyn Bartolome naiyak sa galit sa isang vlogger na si Jose Hallorina dahil sa mga paratang nito sa kanya.

Si Donnalyn Bartolome ang direktang  sinagot ni Jose Hallorina sa kanyang bagong Youtube video. Nilinaw rin ni Jose na ang cyber libel case na isinampa sa kanya ay isinampa ng isa sa mga kamag-anak ni Donnalyn.

Ang tungkol naman sa diumanong 'pera-pera lang' na sinabi ni Donnalyn ay nilinaw din ni Jose. Aniya, kaya personal account niya ang ginamit niya dahil hindi pa siya nakakapagpatayo ng NGO. Hinamon din nito si Donnalyn na ituloy ang demanda nito laban sa kanya.



Samantala, sinabi naman ni Donnalyn sa kanyang post na panoorin na lamang ng mga netizens ang kanyang vlog na walang pinanghihimasukang pamilya at walang binababang tao. Ito ay matapos siyang muling banggitin ni Jose Hallorina sa panibagong video nito.

Sa naunang Facebook post, sinabi ni Donnalyn na nagamit ang kanyang pangalan para magkapera. Kaugnay nito ang panghihingi ng donasyon ng vlogger na si  Jose para sa itatayo umano nitong foundation. 

Ani Donnalyn, hindi na dapat siya magsasalita tungkol sa isyu. Ngunit nais lamang umano niyang magbigay ng babala para walang maloko sa pera.

"Watch niyo nalang new upload ko, walang pinanghihimasukang pamilya, walang binababang tao. Goodvibes lang."

Ayon pa kay Donnalyn, napilitan siyang ilabas ang isang video clip na isang taon na rin niyang itinatago. Kahit pa alam niyang makakatulong sa kanya ang video upang mas maintindihan ang kanyang panig.

Dagdag pa ni Donnalyn, hindi niya ugaling magpaaawa kaya hindi niya inilabas noon ang video.

Gayunpaman, matapos lumabas ang video ni Jose Hallorina, minabuti niyang ilabas ang video ng naging pag-uusap nila ng caregiver ng kanyang Lola Jose. Kung saan sinasabi nito na mas gusto na umalis ng bahay para makahingi siya ng limos dahil malaki umano ang kinikita niya dito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo