Sumabog Sa Galit Si Zeinab Harake at Hindi Napigilan Ang Sarili Na Muling Magpatutsada !

Miyerkules, Hulyo 13, 2022

/ by Lovely

Trending at pinag-uusapan ngayon ang bagong post ni Zeinab Harake. Matatandaang sunod-sunod ang mga kontrobersiyang kinahaharap ng vlogger tungkol sa naging hiwalayan nila ng OPM rapper na si Skusta Clee. Dahil rito, binabantayan na ng mga netizens ang kanilang mga galaw.

May bagong patutsada si Zeinab sa kanyang Twitter account. Tinanong niya ang taong pinatutungkulan niya ng kanyang post. Hindi man nito pinangalan, hinuha naman ng mga netizens na si Skusta Clee ito.

Ayon sa Tweet ni Zeinab, "Ngayon may anak ka? Mang-aaway ka ng mga tao? Bakit? Kasi maglalabas ka na naman ng kanta? La na talaga pera? Gusto na lang gulo para umingay? Tama ka na wala ka ng magagamit pagod na lahat sayo!"



Kaagad na nagtrending ang nasabing post na agad umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Pinayuhan ng ilang mga netizens si Zeinab na huwag nang balikan pang muli si Skusta. Magmove on na lamang umano ito at magfocus sa anak na si Baby Bia.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo