Tambalang Lizquen- Pwede Pa Kaya?

Biyernes, Hulyo 15, 2022

/ by Lovely

Excited na kaya ang mga LizQuen fans sa muling pagbabalik ni Enrique Gil sa pag-arte  sa Kapamilya Network?

Noong nakaraang araw, ibinahagi sa social media na si Kriz Gazmen, head ng ABS-CBN films ang larawan ni Enrique Gil kasama ang ilang executives.



Matatandaang, dalawang taong namahinga sa showbiz si Enrique Gil. Ngunit, mukhang babalik na sa pag-arte. Huling napanood si Enrique Gil kasama si Liza Soberano sa ABS-CBN TV series na Make It With You na na-cancel dahil sa Covid-19 pandemic.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye kung magkakaroon si Enrique Gil ng comeback project sa ABS-CBN at kung makakasama rin ba nito si Liza Soberano. Kamakailan lamang pumirma sa Careless Music bilang bago niyang talent agency.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo