Kakaibang sakit! Glydel natatakot kumain!
Kung ang karamihan ng mga artista ay nahihirapang magpapayat at nagbabawas ng timbang, ang aktres na si Glydel ay may problema ngayon sa kanyang pagbaba ng kanyang timbang.
Hindi umano siya nagdi-diet bagkus kailangan madagdagan ang kanyang timbang.
"Hindi naman ako picky eater, pero sa lock-in hindi ko nakakain ang mga foods. May baon akong mga canned goods. So, parang nasanay ang tiyan ko dun pagdating ng bahay," sabi ni Glydel.
"From 110 pounds naging 90 pounds na lang ako," pagkukwento pa nito.
Ayon naman kay Tonton, nagkaroon umano ang asawa niya ng eating disorder dahil hindi nito gusto ang food sa lock-in. Pakunti-kunti lang ang kinakain.
Feeling naman ni Glydel, nagkaroon siya ng fear of food possible din umano na na depress siya sa lock-in. Dahil for one and half month, hindi niya nakasama si Tonton at ang dalawang anak.
Samantala, okay na umano ito ngayon. Nadagdagan na rin ang timbang niya ng 4 pounds ngunit kailangan pa rin na madagdagan ito.
Isa ang mag-asawang Glydel at Tonton sa mga ambassador sa Beautederm.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!