Trina Candaza, May Dahilan Kung Bakit Hindi Binubura Ang Larawan Kasama Si Carlo Aquino Sa IG Niya

Martes, Hulyo 12, 2022

/ by Lovely

Matagal-tagal na ring hiwalay sina Trina Candaza at Carlo Aquino ngunit masisilip sa IG account ni Trina na hanggang ngayon ay makikita pa rin ang mga larawan nila ni Carlo at mga larawan nila kasama ang kanilang anak.

 Muli na namang humirit ang ilang mga netizens at sinabing tila umaasa pa si Trina na magkakabalikan sila ni Carlo. 

Marami ang nagtatanong kay Trina kung bakit nga ba hindi nito binubura ang mga larawan nila ni Carlo gayung hiwalay naman na sila.

Sagot naman ni Trina, gusto lamang niya na sa paglaki ng kanyang anak may makikita itong alaala na minsan ay naging buong pamilya sila.



Dahil dito, pinuri siya ng mga netizens. Sana umano ay tularan siya ng ibang naghihiwalay para naman masabi ng mga anak, na sila ay naging bunga ng isang pagmamahalan kahit pa hindi ito nagtagal.

Sa kabila ng hiwalayan nila ni Carlo, ay iniisip pa rin ni Trina ang kanyang anak at ang mararamdaman nito sa hinaharap.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo