Vanessa Raval Ibinulgar Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Siya Puno Ng Tattoo Sa Katawan!

Huwebes, Hulyo 28, 2022

/ by Lovely

Si Vanessa Raval ay isa sa mga anak ng gwapo at sikat na aktor noong 90s na si Jeric Raval. Sa kanyang batang itsura ngayon, mayroon ng mga dalagang anak si Jeric bukod kay AJ Raval. Isa na rito si Vanessa Raval na sumisikat na rin ngayon bilang social media personality.

Napansin naman ng ilang mga netizens na tila iba ang imahe ni Vanessa sa kanyang amang si Jeric Raval at kay AJ Raval. Mapapansin kay Vanessa na halos puno ang katawan nito ng tattoo. Marami ang nanghuhusga kay Vanessa dahil rito.

Sinasabing hindi bagay sa isang babae ang pagkakaroon ng mga tattoo sa katawan. Marumi umano itong tingnan at tila hindi normal para sa isang Pilipina. Lalo na't kilala ang kanyang ama sa lipunan.

Dahil sa mga komentong ito ng mga netizens nagbigay na si Vanessa at diretsahang pinagsabihan ang mga mapanghusgang netizens. Ayon kay Vanessa,  TATAY KO NA HINDI AKO HINUSGAHAN SA PAGKAKAROON NG BURDADONG KATAWAN.

TAPOS IKAW NA WALANG AMBAG SA BUHAY KO PANGANGARALAN AKO NA MAY HALONG PANG HUHUSGA."

Samantala, ipinagtapat ni Vanessa kung bakit siya nagpapatattoo sa katawan. Kwento nito sa isang post, 14 years old umano siya ng maaksidente sa motor. Dahil dito, nagkaroon siya ng maraming pilat sa katawan. Ang naisip umano niya na patakpan ito ng mga tattoo, ngunit kalaunana nagustuhan na rin niya ito hanggang halos ang buong katawan niya ay pinalagyan na rin niya ng mga tattoo.



"nung akoy 14 anyos pa lamang

Isa sa mga dahilan bakit nagka tattoo ako, to hide my scars kahit ayoko magka tattoo dahil sa discrimination .
Hanggang sa tumagal na appreciate ko sya bilang art. At dahil kilala ko ang sarili ko, napatunayan ko na Totoo Ang salitang
‘HINDI LAHAT NG MAY TINTA MASAMANG TAO’"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo