Video Ng Pagpapakalma Ni Loisa Andalio Sa Boyfriend Na Si Ronnie Alonte Viral Ngayon Sa Social Media

Martes, Hulyo 12, 2022

/ by Sparkle

 

Kinakikiligan ng marami ang viral video ngayon ng magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Full support talaga si Loisa sa boyfriend na si Ronnie kahit saan mang larangan. At muli ngang pinatunayan ito ng aktres sa viral video nila sa social media.



Isa kasi si Ronnie sa mga player ng basketball sa katatapos lang na Star Magic All-star Games 2022. Na ginanap noong May 22, sa MOA Arena.

Sa naturang video, makikitang bumalibag si Ronnie pero hindi tumawag ng foul ang referee. Kaya naman tila uminit ang ulo ng aktor habang nakaupo sa sahig.

Maya maya ay lumapit naman si Loisa at hinalikan ang nobyo para kumalma ito. Napangiti na lamang si Ronnie at tumayo na para bumalik sa game.

Hiyawan naman ang mga taong naroon sa event dahil sa kilig. Kitang kita kasi na yakap at halik lang ni Loisa ay nawala na ang init ng ulo ni Ronnie.

Inulan din ng samut-saring reaksyon ang nasabing video.

Anong masasabi mo sa balitang ito?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo