Aaron Villaflor wala pa ring alam hanggang ngayon kung bakit inalis sa Ang Probinsyano.
Nawala man sa seryeng Ang Probinsyano, hindi naman nawalan ng pag-asa si Aaron Villaflor na muling makabalik sa teleserye.
Sa isang story conference para sa bago niyang project na Huwwag Mong Agawin Ang Akin, boluntaryong inilahad ng aktor ang nangyari sa kanya sa longest running teleserye ng bansa ang FPJ's Ang Probinsyano.
Ayon kay Aaron, ito ang huli niyang teleserye dalawang taon na ang nakakalipas.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako nawala sa Ang Probinsyano. That was my last series sa ABS-CBN so I waited for two years.
Dalawang taon na rin po akong hindi nakakabalik sa series kaya I'm glad and thankful, may panibagong blessing."
Naitanong naman sa 31 year old aktor, kung ano ang dahilan sa kanyang pagkawala sa Probinsyano. Sinagot naman niya ito, na hindi niya alam.
"Hindi ko rin alam, e. Hindi ko rin alam kung bakit nawala kami. Hindi naman ako humingi ng reason, pero nagulat lang kami bakit kami nawala." sagot ni Aaron.
Ayon pa sa kanya, mahal niya ang kanyang trabaho mula nang nagsisimula pa lamang siya noong 2004.
"Siguro may mga bagay talaga na natatapos din. I guess, I'm very thankful din kasi we've been part of that program for a year."
Taon din ang itinagal niya sa programa at malaki ang pasasalamat niya sa Ang Probinsyano dahil sa opportunity na ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!