Marami ang humahanga at sumusuporta sa content creator at Youtube vlogger na si Cong TV. Hindi naman kaila na dumanas rin ito ng matinding pagsubok bago niya marating ang kinalalagyan niya ngayon.
Sunod-sunod na blessing ang dumarating hindi lang sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang grupo na kung tawagin ay Team Payaman. Kaya naman marami ang nagtatanong ngayon, kung gaano na nga ba kayaman si Cong TV?
Labis ang nadaramang tuwa ni Cong TV nang maabot niya ang 10 million subscribers sa kanyang Youtube channel. As of June 2022, nasa 5.5 million dollar ang net worth ni Cong TV. Ang income naman nito sa isang taon sa kanyang Youtube channel ay aabot sa 1.6 million dollar per year o nasa 80 million pesos. Nasa 6-7 million ang income nito monthly sa kanyang Youtube channel.
Samantala, hindi lamang sa Youtube namamayagpag si Cong TV, maging ang pagnenegosyo ay pinasok na rin niya. Mayroon siyang Cong Clothing na nagpo-produce ng T-shirts ng Team Payaman. Mayroon na silang 40 resellers sa buong Pilipinas at 11 international resellers.
Noong October 2020, nagbukas siya ng Don C Lechon Manok at Liempo sa Bacoor, Cavite. March 2021, binuksan naman niya ang Wheels on the South. Siya rin ang authorized regional distributor sa Region 4-A ng Viy Line Skin Care.
Ang bagong venture naman ngayon ni Cong TV ay ang kabubukas pa lamang noong June 2022. Ito ay ang BigBoy's Buddle Fight na sobrang sarap umano.
Sa pagsisikap ni Cong TV na ma-achieve ang kanyang unang Ford Mustang na kanyang dream car. Nakatira rin ang buong gang sa Team Payaman Mansion.
Minamahal si Cong TV dahil sa kabila ng success at yaman na tinatamasa, napaka-humble pa rin nito. Kaya naman dumadaloy ng tuloy-tuloy ang mga blessings.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!