Yari! Cristopher Roxas Matapos Ang 18yrs Na Kasal Ibinulgar Ang Tunay Na Ugali Ni Gladys Reyes!

Huwebes, Hulyo 21, 2022

/ by Lovely

Nakakwentuhan ni Ogie Diaz ang mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas ukol sa kanilang naging journey bilang isang mag-asawa. Marami sa mga netizens ang humahanga sa love story ng dalawa na mahigit dalawang dekada nang magkasama at patuloy na tumatatag ang relasyon sa paglipas ng panahon.

Taong 2004, nang ikasal ang dalawa kaya 18 years na ang nakalilipas. 11 years din silang magkasintahan.

Sa totoo lang bihira ang relasyon na nagtatagal lalo na showbiz. Kaya hindi na kataka-taka na marami ang nagtatanong sa mag-asawa kung ano ang sekreto nila sa kanilang matagal na pagsasama.

"Siguro alam lang talaga namin 'yung mga plano. Mayroon kaming isang salita parati na kapag magka-away kami, 'Dito na ba tayo maghihiwalay? Kung hindi rin lang ay itigil na natin dahil sayang ang oras," pagbabahagi ni Christopher.

Dagdag pa nito, "Hindi dapat puro saya ko lang, hindi dapat puro saya niya lang. Dapat pareho kaming masaya."



Ipinunto naman ni Gladys na dapat yakapin ang bawat flaws ng bawat isa. May mga bagay naman na hindi nila napagkakasunduan, pero pinipili pa rin  nilang ayusin mag-asawa.

"Buong buhay ko mas pinili ko naman siya kaysa sa karera ko eh. Kung baga parati akong nasa likod lang. Kaya wala akong career sa showbiz na talagang pinursigi dahil mas pinili ko siya," ani ni Christopher.

Naikwento din ng dalawa na talagang naging malaking dagok sa kanila noong 2012 dahil sa panahong iyon ay talagang hindi alam ng aktor kung ano ba talaga ang nais niyang tahaking karera.

Marami siyang sinubukang trabaho at hinanap kung ano ba talaga gusto niya. Hanggang sa nakakuha ng opportunity at nakapag-aral na maging isang chef.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo