"Pumasok siya sa laban na hindi niya alam kung anong laman."
Ito ang buod ni Nanay Cristy Fermin tungkol kay Kris Aquino na kasalukuyang nasa Houston, Texas para sa mahabang gamutan. Nauna nang binanggit ni Nay Cristy Fermin ang tungkol sa mataas na mensaheng ipinadala sa kanya ng Queen of all Media sa programang Cristy Ferminute.
Base sa kwento ng online host, ay pinanood umano ito ng bunso ni Kris na may pinagsama-samang episodes. Sa Showbiz Now Na, kasama sina Romel Chika at Morly Alinio ay nag kwento na ng buo si Nay Cristy para ipagtanggol ang kanyang panig.
Nang matanggap niya ang mensahe ay numero lamang at hindi ito naka-save kaya nagdalawang isip ang manunulat kung papatulan niya at para makapagsiguro ay nagtanong siya kung numero ba talaga ito ni Kris. Nang makumpirmang daling nga kay Kris ang mensahe binasa niyang muli ang nasabing mensahe.
"Unang-una niyang sinabi, ito na naman daw si Philip Salvador ay bestfriend ni Sen. Bong Go at isa pa nilang kaibigan na si Jonathan, so alam umano ng dalawang ito ang kaniyang number. Si James Yap naman, ay alam ang kanyang numero ng Mayor ng San Juan si Francis Zamora at mayroon din umano silang abogado na alam din ang kanyang numero.
Pero kahit alam umano nina Philip at James ay walang komunikasyon sa kanilang mga anak. Hindi umano nagre-reach out. Napakadali umano ng paraan para makipag communicate si Philip Salvador at James Yap kina Josh at Bimby pero hindi nila ginagawa.
Sabi ni Kris, siya pa rin ba ang nagkulang? Siya pa rin ba ang mali? Siya pa rin ba ang dapat sisihin?," kwenro ni Nanay Cristy sa nilalaman ng sulat ni Kris.
Samantala, labis na nasaktan si Nanay Cristy dahil sa mensaheng ito ni Kris. Hindi daw alam ni Kris na ang tanging hangad lamang ni Nay Cristy ay gumaling siya. Sa katunayan, ipinagdasal siya nito na sana malampasan ni Kris ang mga pagsubok nito sa buhay.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!