Yassi Pressman, Binigyan Ng Tips Ni Alex Gonzaga, Kung Para Saan Alamin

Lunes, Hulyo 18, 2022

/ by Lovely

Nagvo-vlog na rin sa Youtube ang actress na si Yassi Pressman. Kinukumbinsi ito ng kaibigang si Alex Gonzaga na may magandang carreer sa Youtube.

Isa lamang si Alex Gonzaga sa mga Pilipino vlogger sa Youtube na may million subscribers. Sa unang vlog ni Yassi para sa kanyang channel, guest niya si Alex sa kanyan Karaoke with Yassi vlog. Nagkakantahan at nagchichikahan ang dalawa sa nasabing vlog.



Masaya naman si Yassi sa natatamong tagumpay ni Alex bilang Youtube vlogger. Nagbigay naman si Alex ng tips kay Yassi kung paano niya ginagawa ang kanyang pagvo-vlog at kung paano siya pumipili ng gagawing content.

Itinag naman ni Yassi si Alex sa kanyang vlog upang makita rin ng mga subscriber ni Alex at makahatak ng mga manonood. Aminado naman si Alex na bumababa ang tingin ng ilang mga netizens sa mga artistang pinapasok na ang pagvo-vlog dahil sa tingin ng iba nalalaos na ito sa showbiz.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo