Yassi Pressman Inilantad Na Ang Pagkatao Ng Tunay Niyang Boyfriend!

Biyernes, Hulyo 22, 2022

/ by Lovely

After four years naglabas ng kumpirmasyon si Yassi Pressman tungkol sa totoong relasyon nila ng basketball player na si Jon Semira.

July 21 nang ibinahagi ni Yassi Pressman sa social media ang napakasweet na larawan nila ng itinuturong boyfriend na basketball player na si Jon Semira. Kuha ang nasabing larawan sa Amsterdam, Netherlands habang nakasakay sila sa isang bangka. Makikita din sa nasabing larawan na hinahalikan sa pisngi ni Yassi ang lalaki. Nagcecelebrate ang lalaki ng kaarawan nito basi na rin sa caption ng aktres.



Ayon sa caption ni Yassi sa kanyang Instagram, "HBD so happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.

I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when you think I'm kulit."

Hindi man nakikita ang mukha ng lalaki, nakatag naman ito sa post ni Yassi. 'imjonnytsunami' ang username nito, kapag binisita ang nasabing account makikita ang full name ni Jon Semira. Makikita rin na nagcelebrate ito ng kaarawan kamakailan lamang.

Samantala, muling ibinahagi ni Yassi sa kanyang IG stories ang larawan nila ni Jon under the bridge. Kasunod namang larawan ay nakaharap na silang dalawa. Ipinakita rin nila ang naging intimate celebration nila sa kaarawan ni Jon.

Matatandaan na noong 2018 pa ng umugong ang balita tungkol sa relasyon nina Yassi at Jon. Ilang beses din silang nakitang magkasama at sweet sa isa't-isa. Nawala naman ang nasabing isyu dahil sa pagtatambal nina Yassi at Coco Martin sa seryeng FPJ's Ang Probinsyano.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo