Yilmaz Bektas Sobrang Namimiss Na Ang Mga Anak Kay Ruffa Gutierrez Na Sina Lorin at Venice

Martes, Hulyo 5, 2022

/ by Lovely

Namiss na ni Yilmaz ang mga anak kay Ruffa na sina Lorin at Venice. Ganundin ang panganay na anak Yilmaz na si Ilknaz, labis na rin ang pagkamiss sa kanyang mga kapatid.

Ngunit, hindi pa nila alam kung kailan ulit sila magkikita-kita sa personal. Sa ngayon sa social media na lamang muna sila nagpapalitan ng mga mensahe.

Batid din ni Yilmaz na namimiss rin ng kanyang kapatid ang mga anak na nasa Pilipinas. Matatandaang, kasa-kasama nina Lorin at Venice noon sa pamamasyal sa Istanbul ang kanilang Tita Kisra.

Si Kisra ay ang nag-iisang kapatid na babae ni Yilmaz. Mayroon na rin itong anak ngunit napakabata pa.

Samantala, labis na nagpapasalamat si Ilknaz sa mga Pilipino dahil dumami ang kanyang mga followers sa social media.



Tila matatagalan pa ang muling pagkikita nila ngunit sa pagkakataong ito madali na lamang na makontak ng Pamilya Bektas sina Lorin at Venice rito sa Pilipinas.

Matatandaang ibinahagi noon ni Ruffa na nais ng kanyang mga anak na i-extend ang kanilang pananatili sa Turkey. Ngunit hindi pumayag si Ruffa dahil mayroon na silang mga pasok at tila ayaw rin nitong mawalay ng matagal sa mga anak.

Sa kabilang banda, busy ngayon si Ruffa sa kanyang bagong movie na Maid in Malacanang. Gagampanan niya rito ang papel ni Imelda Marcos.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo