Zeinab Harake, Ginalaw Na Ang Baso! | Muling Ipinasilip Si Mr. Black!

Huwebes, Hulyo 14, 2022

/ by Lovely

Tila naka-move on na ang vlogger na si Zeinab Harake mula sa kanyang ex-partner, ang OPM rapper na si Skusta Clee.

Makikita na kakaiba ang glow ni Zeinab ngayon at palagi na itong nakangiti kaya hinuha ng mga netizens na mayroon nang bagong nagpapatibok sa kanyang puso.

Matatandaang, nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod na nagviral ang mga larawan at videong kumakalat na may kasama siyang lalaki. Kinikilala ang nasabing lalaki na si Hans Alcanzare ngunit, may isang netizen na nagbunyag na hindi ito ang idinidate ni Zeinab.

Itinanggi naman ni Zeinab ang umano'y relasyon nila ni Hans. Maging ang manager nito ay nilinaw din ang isyu. Isang netizen naman ang nagbunyag at sinabing totoong hindi si Hans ang idinidate ngayon ni Zeinab kundi ibang lalaki na kinilala nilang si Julian.

Wala namang komento si Zeinab tungkol sa baging lalaking inililink sa kanya. Noong nagdaang gabi, muling ipinasilip ni Zeinab si Mr. Black. Nagpost si Zeinab ng mga larawan na kuha mula sa Isla Sombrero. Makikita sa nasabing larawan si Zeinab na nakasakay sa isang bangka kasama ang isang lalaki na hinuha ng mga netizens ito na marahil si Mr. Black.



Mukhang ito na ang patunay na naka-move on na si Zeinab Harake mula sa malungkot na pinagdaanang relasyon kay Skusta Clee.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo