Hindi umano papatulan ng vlogger na si Zeinab Harake ang request ng isang netizen na gumawa siya ng 'Daddy for a day Challenge Video' ito ay kasunod sa pahayag ng kanyang dating karelasyon na si Skusta Clee. Kung saan iginiit nitong kaya rin niyang maging mabuting ama sa anak nila ni Zeinab na si Baby Bia. Kung mabibigyan lamang siya ng pagkakataon.
Hindi na ito mangyayari pa matapos manindigan ni Zeinab na siya lamang ang magiging ama at ina ng kanyang anak. Maalalang hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa matapos mahuli ni Zeinab na nambababae si Skusta habang nagbubuntis siya sa kanilang pangalawa sanang anak.
Sa huling videong ipinalabas ni Skusta Clee, humingi ito ng sorry sa lahat. Dahil aminado siya sa kanyang pagkakamali. Matapang na inamin ni Skusta Clee na pinagsisisihan niya ang kanyang pag-iwan sa kanyang mag-ina.
"Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman 'yon, muka lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay."
Samantala, iginiit din ng rapper na may mas malalim pa siyang dahilan kung bakit niya tuluyang iniwan si Zeinab. Pero na umano niya ito isisiwalat sa publiko bilang pagrespeto na rin sa dati niyang karelasyon.
Sinabi rin niya na bagama't hindi siya naging mabuting karelasyon kay Zeinab, kaya naman umano niyang maging mabuting ama sa anak nila na si Baby Bia. Kung papayagan siyang mapalapit muli rito.
Kasunod nito ipinahayag naman ni Zeinab sa publiko na wala na umano siyang nararamdaman na galit sa isang tao na hindi naman niya pinangalanan. Ngunit, hinuha ng mga netizens na si Skusta Clee ang tinutukoy ni Zeinab.
Gayunpaman sa kabila nito hindi pa rin tumitigil ang isyu sa pagitan nina Skusta at Zeinab, lalo pang gumulo ang sitwasyon ng pumasok sa eksena ang Tiktoker na si Aira Mae Lipata. Si Aira Mae ang itinuturong babae ni Skusta Clee habang sila pa ni Zeinab Harake.
Sa katunayan, napabalita noon na sinugod ni Zeinab sa isang bar si Aira. Mahigit isang buwan matapos ang insidente ay ang pagsasapubliko naman nila Skusta Clee at Aira Mae Lipata sa kanilang relasyon na umani naman ng pambabatikos mula sa mga netizens.
Matinding pambabatikos naman ang inabot ni Aira ng magpost siya kamakailan ng isang video kung saan hinahalikan niya si Skusta Clee habang natutulog. Kapansin-pansin rin na tila ipinagmamalaki ni Aira na siya na ang bagong karelasyon ngayon ni Skusta.
Kaya naman naging sentro muli ng usapin si Skusta Clee online dahil tila masaya pa umano itong ibalandira ang babaeng sumira sa kanilang pamilya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!