ABS-CBN at TV5 Partnership- Tuloy Na! Wala Nang Makakapigil?

Biyernes, Agosto 5, 2022

/ by Lovely

Partnership ng ABS-CBN at TV5 natuloy na.

Inabot man ng mahigit isang taon ang pag-uusap ng TV5 at ABS-CBN, natuloy rin ang kanilang partnership.

Ayon sa mga kumakalat na balita, sinisikap ng dalawang media company na mapirmahan ang kanilang partnership. Ito ay mangyayari umano sa katapusan ng buwan ng Agosto o sa unang linggo ng Setyembre dahil kailangan pang sundin ang mga probisyon sa batas ng Bayanihan 2.

Sa naganap na financial briefing ng isang kompanya ni Manny Pangilinan, TV5 Chairman sinabi niyang malapit nang maisakatuparan ang  partnership agreement ng ABS-CBN at TV5.



"It's fair to characterize that we're at the closing stages. I think the likelihood of an agreement with them is mataas at malapit na," pahayag ni Manny Pangilinan.

Ang kasunduan nila ay mamumuhunan ang ABS-CBN sa TV5. Kung saan hawak ng ABS-CBN ang 35|% stake at hawak naman ng TV5 ang 65% stake. Ito ay ayon sa paglilinaw ng Chairman ng TV5 na si Manny Pangilinan.

"Ang modelo na ginagawa namin ay ito ay magiging joint venture sa pagitan ng TV5, gamit ang platform ng TV5 bilang free-to-air broadcast platform ng parehong TV5 at PLDT Group at ng ABS-CBN Group."

Paglilinaw pa nito, hindi nila inaacquire ang ABS-CBN maging ang mga shares nito kundi nag-iinvest lamang ang ABS-CBN sa TV5.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo