Muling binatikos ng ilang mga netizens si AJ Raval matapos itinangging malapit sila sa isa't-isa ng kapatid na si Vanessa Raval. Ayon sa mga netizens, kulang na lamang na itakwil nito ang kapatid base sa pahayag nito matapos ang ginawang gulo ng kapatid online.
Kamakailan nag-viral si Vanessa Raval matapos niyang gumawa ng kwentong may isang rapper na may gusto sa kanya. Hindi niya umano nagustuhan ang ginagawang ito ng rapper dahil mayabang ito. Hindi rin umano ito gwapo. May karelasyon na rin umano ito at may anak na.
Hula ng mga netizens na si Skusta Clee ang tinutukoy ni Vanessa ngunit itinanggi ito ng huli at sinabing si Haring Manggi ang tinutukoy niya. Dahil dito, tila nahuli si Vanessa ng mga netizens na gumagawa lamang ng kwento para mapansin.
Kalaunan ay inamin naman ni Vanessa na gawa-gawa niya lamang ang lahat. Ang mas ikinagulat ng mga netizens ay ang inilabas na pahayag ni AJ Raval. Tila tuwirang itinakwil kasi nito ang kapatid na si Vanessa at sinabing hindi sila malapit sa isa't-isa.
Ayon kay AJ, labas umano siya at ang ibang myembro ng kanilang pamilya sa isyung ginawa ni Vanessa at dapat umano na hindi sila madamay.
"I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa.
Komento ng mga netizens, tila kinakahiya ni AJ Raval ang kanyang kapatid at halos itakwil na ito sa kanyang naging pahayag.
Nilinaw naman ni Vanessa na gumawa lamang siya ng isyu para mapagtakpan ang mga isyu kay AJ. Tapos ngayon, siya na lamang ang idinidiin nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!