Dahilan Kung Bakit Ayaw Ng Muling Sumali Ni Herlene Budol Sa Beauty Pageant! Alamin

Miyerkules, Agosto 3, 2022

/ by Lovely

Usap-usapan at hindi maiwasang hangaan ng lahat ang komendyante turned beauty queen na si Herlene Nicole Budol. Bilang first timer sa National pageant, humakot ng maraming minor awards si Herlene at ito rin ang itinanghal bilang 1st runner up ng Bb. Pilipinas.

Bukod sa kanyang mga solid fans na humanga sa kanya hinangaan din si Herlene ng ilang personalidad kabilang na si MJ Lastimosa. Pinayuhan pa nito si Herlene na muling sumali sa Bb. Pilipinas dahil sa kanyang galing di lamang sa pagrampa kundi maging sa kanyang pagsagot sa Q & A portion.

Sumagot naman si Herlene dito at sinabing last na ang pagsali niya sa Bb. Pilipinas 2022 pageant. Marami tuloy ang napapatanong kung ano kaya ang dahilan ni Herlene kung bakit ayaw na niyang sumali sa beauty pageant gayung nag-excel naman ito sa kabila ng kanyang pagiging first timer.

Ayon sa ilang mga malalapit na kaibigan ni Herlene at ng kanyang mga solid na taga subaybay, marahil nais na lamang ni Herlene na magfocus sa kanyang career bilang comedian. Alam naman ng lahat na likas na kay Herlene ang pagpapatawa.

Bukod pa rito, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bago pa man ang coronation night ng Bb. Pilipinas, nakapagtapos na ng kolehiyo si Herlene sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management. Usap-usapan na nais i-pursue ni Herlene ang kanyang natapos sa Tourism Industry. Bukod kasi sa kanyang career sa showbiz dedicated rin si Herlene sa kanyang natapos na kurso.



Naniniwala kasi ang marami na alam din ni Herlene ang kahalagahan ng Edukasyon at naniniwala rin ito na hindi panghabang buhay ang pagiging isang komedyante at ang pagiging beauty queen. Suportado naman si Nicole ng kanyang mga solid supporters at nauunawaan ng mga ito ang desisyon ni Herlene na hindi na muling sasabak sa pageant.

Masaya pa rin ang mga ito para kay Herlene at alam naman nilang marami na itong napatunayan sa beauty pageant industry.

( Hide )
  1. Para sa akin opinion Tama lang na na
    na hindi na sasali si Herlene sa iba

    Iba pang beauty contest Tama
    na patuloy na Lang sya sa kanyang

    Carrier

    Tapos na rin
    sya sa kanyang
    Pag aaral
    Para hindi sya
    gaanong mapagod

    TumugonBurahin
  2. tama yun na gamitin nya yung pinag aralan nya.nakapagtapos cya mag ofice nalang cya someday magkaroon nacya ng sariling company nya.

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo