Maid in MalacaƱang Dinumog Ng Manonood, Bumaha Ang Mga Luha at Nagpalakpakan

Huwebes, Agosto 4, 2022

/ by Lovely

Dinagsa ang mga sinehan sa unang araw ng pagpapalabas sa controversial movie na Maid in Malacanang. Ibinahagi ng Facebook page na Vincentiments angmga larawang kuha mula sa iba't-ibang sinehan sa buong bansa.

Makikita sa mga nasabing larawan ang haba ng pila ng mga manonood. May ilan pang sinehan na sold out na ang mga tickets. May ibinahagi rin silang video clip kung saan makikita na nagpapalakpakan ang mga tao sa loob ng sinehan nang matapos ang pelikula.

May isang nanay namang ininterview dahil nakita itong umiiyak habang papalabas ng sinehan. Nadala lamang umano siya sa palabas at nalungkot sa mga nangyari sa Pamilyang Marcos sa mga oras na iyon.



Samantala, naiinis at nagagalit naman ang ilang mga kakampinks sa pagpapalabbas ng pelikulang Maid in Malacanang na ayon pa sa kanila, isang historical distortion. Pawang mga kasinungalingan lamang umano ang makikita sa nasabing pelikula at tila ginawa lamang upang mang-inis at hindi isang work of art.

Ngunit, dahil sa panggagalaiti nila lalong naingganyo ang karamihan na panoorin ito kaya naman dinumog at pumatok ito sa takilya. 

Samantala, diretsahan namang nagbigay ng pahayag si Elizabeth Oropesa na isa ring cast ng pelikula. Ayon sa kanya ang pagpapanood ng pelikulang ito ay isang chance upang makita at malaman ang side ng mga Marcos sa panahong iyon. Sinabi rin nito na panahon na upang malaman naman ng sambayanan ang side nila ng storya na hindi naman nailathala sa mga libro.

Ayon pa kay Elizabeth, hindi naman ito 100% dahil sa mga ginagawang cinematic lines. Ngunit, ipinagdidiinan niyang base ang kaganapan sa buong katotohanan. Sa huli, taos pusong nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng mga nanood ng pelikulang Maid in Malacanang.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo