Hinamon ni Direk Darryl Yap ang Direktor ng Katips na si Vince Tanada matapos ipagkalat na mas malaki ang kinita ng Katips kaysa sa Maid in Malacanang sa loob ng dalawang unang araw ng showing, na ipakita ang resibo ng kanilang kinita.
Ayon sa isang ulat mula sa Kapamilya Online World, umabot ng 42.8 million ang gross income ng Katips sa loob ng isang araw lamang na showing habang 42 million lamang ang kinita ng Maid in Malacanang sa loob na ng dalawang araw.
Inalmahan ito ni Direk Darryl dahil sa mga nakikitang larawan kung saan nasosold out ang ticket at ang haba ng pila para sa Maid in Malacanang kaysa sa Katips. Matatandaang nagsurprise visit rin ang Direktor at mga cast ng Maid in Malacanang sa SM Fairview kamakailan lamang at na-overwhelmed sila sa mainit na pagtanggap at suporta ng tao sa kanila.
Kaya naman hamon ni Direk Darryl kat Vince Tanada ngayon, lapagan ng resibo ng kita sa kani-kanilang pelikula.
Buong pahayag ni Direk Darryl Yap, "for the sake of honesty and for your cause to fight disinformation, I challenge Vince Tanada to disclose the real numbers of his films’ gross.
Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman ang director sa mga vloggers na nagcocover sa kanilang pelikula at nagbibigay updates sa mga sinehan dahil hindi ito ibinabalita sa ibang main stream media. Inanyayahan ito ng director sa isang thanksgiving dinner party.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!