Umabot na sa mahigit 200 million ang gross income ng pelikulang Maid in Malacanang sa loob lamang ng ilang araw. Sa laki ng kinita ng nasabing pelikula mahihinuha na talagang sinusuportahan ito ng sambayanang Pilipino.
Samantala, patuloy naman na nag-iikot ang mga cast ng Maid in Malacanang upang magbigay ng saya at magpasalamat sa mga tumangkilik sa kanilang pelikula.
Sa kabilang banda, nagbigay naman ng pasasalamat si Direk Darryl Yap kay dating Vice President Leni Robredo dahil sa aniya'y hindi pang-iindorso nito sa pelikulang Maid in Malacanang.
Ayon kay Direk Darryl, "Sold-out pa rin sa karamihan ng malls at halos mapuno pa rin sa iba- pahirapan pa magbook ng tickets... Lahat yan ay dahil di kami inendorse ni Leni. HAHAHA!"
Alam naman ng lahat na ang iniendorso ng dating Vice President ay ang pelikulang Katips na kahit anong gawin ay tila naghahabol pa rin umano ng kita sa Maid in Malacanang movie.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!