DNA test ginawa ng pulisya upang matukoy kung kay Jovelyn Galleno nga ba ang nakitang kalansay ng mga pulis.
Naniniwala ang marami na hindi kay Jovelyn Galleno ang kalansay na nakita sa isang parte ng Sitio Pulang Lupa Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Prinsesa kaninang madaling araw, August 23, 2022. Hindi kasi kapani-paniwala na sa loob ng ilang araw lamang ay tuluyang naagnas ang katawan nito at kalansay na lamang ang naiwan.
Samantala nagbigay ng opinyon si Dr. Eunice Herrera, ang mediko legal ng City Health Department kaugnay sa nakitang bungo at mga buto ng isang taong pinaghihinalaang si Jovelyn Galleno. Tila maging ang doktora ay hindi kumbinsido na ang nakitang kalansay ay si Jovelyn.
Ayon kay Doktora, impossibleng mabilis na naagnas ang katawan ni Jovelyn sa loob lamang ng mahigit dalawang linggo. Sa kabila ng pabago-bagong panahon. Wala umanong ganito kabilis na magiging bungo at kalansay na lamang ang katawan. Ilang buwan pa umano ang aabutin para sa isang katawan na magdedecompose at hindi ito ganoon kabilis.
Ipinunto rin ng nasabing Doctor na dapat ay mangangamoy pa lamang umano ito dahil 2 weeks pa lamang. Hinanap din ng Doctor kung nasaan na ang mga damit ni Jovelyn. Gayung kadalasan ay nakukuha ito sa crime scene at hindi ito nabubulok basta-basta.
Samantala ayon naman sa isang post ng Councilor, "Kagagaling lang natin sa bahay nina Jovelyn. Kinumperma nila na ang mga gamit na nakita malapit sa kalansay na natagpuan sa Brgy. Sta. Lourdes, ay kay Jovelyn.
Ipabitay na lang kase...kasabwat ang pinsan nya.... Grrr... Marami pang kasama...eeiiiihhh!
TumugonBurahin