Donnalyn Bartolome Palaban Sumagot Sa Opisyal Ng Gobyerno! Nag@lit!

Biyernes, Agosto 19, 2022

/ by Lovely

Galit na pinagsabihan ng vlogger na si Donnalyn Bartolome ang Supreme Court Associate Justice na si Marvic Leonen matapos nitong magbigay ng opinyon sa kanyang isinagawang 'kanto-themed birthday party'.

Ayon kay Donnalyn ang pagre-react umano ng Associate Justice ay very unprofessional, insensitive at nagnanais lamang umano na makakuha ng maraming likes sa Twitter.

Umani ng samu't-saring opinyon at reaction mula sa mga netizens ang ginawang 'kanto-themed birthday party' ni Donnalyn Bartolome na ipinalabas niya sa kanyang Youtube vlog noong August 11, 2022. Komento ng ilang mga netizens na ginawa pang pagkakakitaan ni Donnalyn ang kahirapan dinaranas na kahirapan ng karamihan Pilipino sa bansa.

Ayon pa sa ilan, nagsasayang lamang umano ito ng pagkain sa paggawa ng tutong rice cake. Sigurado naman umanong hindi nila ito kinain. Ayon naman sa isang sociologist, isa umano itong display na ipinapakita ang buhay ng mga mahihirap. Ginagaya lamang umano ni Donnalyn ang buhay ng mga taong totoong nahihirapang mag-celebrate.



Maging si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ay hindi napigilang magbigay ng opinyon hinggil sa viral vlog ni Donnalyn. 

Ayon sa tweet ni Leonen, "Intead of pretending to be poor through a lavish kanto themed party, why not understand what it is too be poor and find ways and means to assist. To be poor is not something to celebrate by the rich.

It is insensitive.

Just saying."

 Bagama't hindi pinangalanan ni Leonen ang kanyang pinagsabihan sa nasabing post. Sigurado naman ang marami na ito ay walang iba kundi si Donnalyn. Samantala, agad namang nagbigay ng reaction si Donnalyn hinggil sa opinyon ni Leonen sa kanyang birthday party at itinag pa mismo si Leonen.

"Wow pati Supreme Court Justice Associate? Bawal po ako pumary the way I partied before fame? Sino po kayo para mag-assume I don't know what it's like to be poor? Supreme Court Justice Associsste tapos di nag-gather ng facts bago mangjudge? What a shame!"

Dagdag pa ni Donnalyn, "Who told you I never did anything to assist Sir? I celebrated my life by lookoing back at my past and not being ashamed of it. Did I pretend to be poor? Poor pa rin po ba sa inyo naka Bvlgari watch ako dun with diamond earring ang my imported P10,000 slippers? Mga naka-Prada pa mga bisita ko at Chanel, sadyang sa kanto lang kami pumarty at nakapambahay lang."

Pinagsabihan din ni Donnalyn si Leonen. Aniya, "Insensitive mo din po Sir para mag-assume sa past ko taht this was not a reality for me. I even provided inspiration for everyone to work hard for their dreams. Pwede pong mag-focus nalang kayo sa mga nawawalang babae and assist with preventing such events from happening kesa judging po kayo sa birthday party ng dati pang pumaparty sa kanto?"

Tila pinasarinngan din nito si Leonen na ginawa lamang ito upang magkaroon ng maraming likes sa Twitter. Ayon pa kay Donnalyn walang karapatan si Leonen na pagbawalan siya sa mga bagay na dati pa niyang ginagawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo