Encantadia Writer Na Si Suzette Doctolero Nag React Matapos Mapanood Ang Maid in Malacanang

Biyernes, Agosto 5, 2022

/ by Lovely

Encantadia writer na si Suzette Doctolero naglabas ng pahayag gamit ang kanyang social media account matapos mapanood ang controversial movie na Maid in Malacanang.

Ayon sa kanyang ibinahaging pahayag, "Pinanood ko rin kanina ang MIM.

Malinaw sa filmmaker kung sino ang audience niya at kung paano magkukuwento kung kaya’t nasakyan ng audience ang pain ng isang pamilyang dati ay matayog at hari, at bumagsak. Pinaiiyak, pinatawa, kinurot ang puso ng audience. Wala kasing pretension ang pelikula. Malinaw na ito ay kwento sa Point of View ng mga Marcos o pro Marcos.
Bilang manunulat, nakita ko ang yaman ng konsepto’t kwento. Although hindi ito ang unang movie na tumalakay ng ganitong paksa, (nandiyan ang Evita Peron, ang Tsar (kwento ng mga Romanovs ng Russia) at ibp, pero matapang pa rin ang filmmaker na ginawa niya ito, kahit na alam niyang may mga pupuna. Deserve nito ang success sa takilya na tinamasa.
Kontrobersyal at subject sa Interpretsyon ang huling eksena, na ipinakita si Cory, lalo na ang binitiwan nyang salita sa dulo (bilang analogy sa pulitika, kapangyarihan, gamit ang sugal na madjong), pero ito ay totoo. At ang gandang statement sa pulitika ng bansa (maski sino pa ang lider).
May mga scenes lang na ikinuwento kaysa ipinakita pero naiintindihan kong mahal ang eksena (halimbawa, pagpapasabog sa isang parte sa Malacanang o pagpapakita ng pagsugod ng mga rebel forces para mas ramdam ko ang takot ng pamilya at mga maids) pero sa pangkalahatan ay okey naman ang pelikula. Walang historical distortion, wala ring paninira sa mga madre. Panoorin para makita."


Sa nasabing pahayag sinabi ng writer na malinaw sa filmmaker kung sino ang audience nito at walang pretension ang nasabing pelikula. Malinaw umano sa pelikula na ito ay ang galing sa point of view ng mga Marcos. Sa huli, malinaw na sinabi ng writer na walang historical distortion at walang paninira sa mga madre. Iniingganyo rin nito ang publiko na manood sa nasabing pelikula.

Agad namang nagbigay ng pasasalamat sa writer ang Vincentiments. Pinuri rin nito si Suzette at tinawag bilang isang Ace storyteller ng GMA7.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo