Grabe Maid in Malacanang Bumulusok 41 Million Kinita Sa 2 Days Palang Sen. Imee Marcos Nagpasalamat

Biyernes, Agosto 5, 2022

/ by Lovely

Lubos ang pasasalamat ng mga bumubuo ng pelikulang Maid in Malacanang. Lalong-lalo na ang director nitong si Darryl Yap at ang producer nitong si Vic Del Rosario ng Viva Films.

Sa caption ng isang larawan kung saan makikita ang total gross income ng Maid in Malacanang na umabot sa 41 million pesos sa loob lamang ng dalawang araw na pagpapalabas sa mga sinehan sa buong bansa. Labis naman ang pasasalamat ng Viva Films sa lahat ng sumuporta sa nasabing pelikula.

Ayon sa naging post ng Viva Films, "P41 Million Total Gross To Date In 2 Days!

Maraming salamat po! Dahil sa inyong malakas na suporta ay muling sumigla ang Philippine Cinema! #MiMDay3Showing here we come!
Ayain na ang buong pamilya sa MAID IN MALACAÑANG! Pumila na ng maaga dahil we are SHOWING in OVER 200 CINEMAS nationwide! #MAIDinMALACAÑANG"


Nagbigay naman ng suporta at pasasalamat si Sen. Imee Marcos sa pamamagitan ng kanyang Facebook page sa lahat ng tumangkilik at nanood sa Maid in Malacanang Movie. May ilan namang mga OFW ang humihiling na sana'y maipalabas naman ang nasabing pelikula sa ibang bansa.

Komento naman ng ilang mga netizens na tiyak lalaki pa ang magiging income ng movie dahil dalawang araw pa lamang itong ipinapalabas nakakuha na ng 41 million.

Ngunit may isa namang netizen na nagkomentong kaya lumaki ang kita ng pelikula dahil binibili ng mga Marcos ang tickets at ipinamimigay sa mga tao. Dagdag pa nito, may nakita umano siyang isang babae sa sinehan na namimigay ng pera kapalit ng panonood ng Maid in Malacanang.

Samantala, sa kabila ng malaking kita ng Maid in Malacanang marami pa ring bumabatikos at sinasabing dinadaya lamang ng mga Marcos ang publiko at isang historical distortion ang ginagawa ng mga Marcos.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo