Labis na kinaaliwan ngayon ng mga netizens ang pagsusuot ni Herlene Budol ng Darna costume.
Pinag-uusapan ngayon ang katatapos lamang na kaarawan ng First Runner Up ng Bb. Pilipinas na si Herlene Nicole Budol. Darna ang kanyang napiling theme sa kanyang celebration.
Ayon kay Herlene, napili umano niya ang nasabing theme dahil idol niya si Marian Rivera. Matatandaang gumanap din si Marian Rivera sa iconic role na Darna.
Labis na hinangaan ng mag tagahanga nito ang kanyang pagsusuot ng Darna costume dahil lalong na-emphasize ang kanyang pangangatawan at kitang-kita ang kanyang maliit na baywang. Umani naman ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing litrato ni Herlene.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!