Sa naging interview ni Boy Abunda kay Direk Darryl Yap, na direktor ng pelikulang Maid in Malacanang, tila dito niya ibinulgar ang naging dahilan niya kung bakit ginawa niya ang nasabing pelikula. Ito umano ay dahil sa kilala niya sa personal ang mga Marcos.
Ayon kay Direk Darryl Yap nais niyang bigyan ng 'humanity' ang mga Marcos. Binasura umano ng Direktor ang kanyang mga research hinggil sa mga ito. Sa nasabing mga research ipinakilalang mga inhuman umano ang mga Marcos sa mahabang panahon, na tila ang tingin sa sarili ay parang royalty. Hindi umano niya ito nagustuhan at ninais na gawin naman ang mga itong 'human'.
Kaya naman, naisip ng Director na ang mga kasambahay nila sa panahon nila sa Malacanang ang lubos na nakakakilala sa mga ito.
Hindi naman umano nababago ang kasaysayan sa simpleng pag-iyak lamang ni Imee Marcos na umalis na sila. Hindi din naman umano nababago ang kasaysayan, kung ang mga naging kasambahay ng mga Marcos ay nais makipaglaban at protektahan sila.
"May nabago bang kasaysayan dahil sa mga ito?" ito ang tanong ng Director sa mga taong nagsasabing historical distortion ang kanyang pelikula.
Dagdag pa ng Director, ang ikinagagalit ng iba ay dahil inisip at inakala nila na ang mga Marcos ay walang puso at ang pagiging diktador lamang ang alam.
Tila dumating na ang panahon na malaman naman ng sambayanang Pilipino ang side ng mga Marcos sa mga nangyari sa nakaraan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!