Matatandaang noong kasagsagan pa lamang ng election camapaign period, sinabi ni Manny Pacquiao na kung sakaling papalarin siyang manalo bilang pangulo ng bansa ay una niya tututokan ang pagbawi sa umano'y ninakaw ng mga Marcos mula sa kaban ng bayan.
Ngayon tila nabaligtad ang lahat matapos lumabas ang isang report na kakasuhan umano si Manny Pacquiao ng isang Filipino- US based author. Ayon sa balita, sasampahan ng kaso si Manny Pacquiao dahil sa breach of contract.
Ang nasabing law suit ay magkakahalaga ng aabot sa 1 million dollars. Ito ay dahil sa breach of contract sa pagpupublish ng mga libro hinggil sa biography ni Manny Pacquiao. Nakasaad umano sa kanilang verbal agreement na bibili si Manny ng atleast 25,000 copies at ididistribute ito sa lahat ng SK Chairman sa buong bansa. Ngunit, matapos ma published ang nasabing mga libro hindi na makontak si Sen. Manny.
Sa complaint ni Llana, nagbigay ng approval sa pagpupublish ng libro sa harap ng kanyang former coach na si Emil Romano, businessman na si Peter Cadorna, Fleurese Llana at sa mismong author.
Ayon kay Llana, bagama't ang nasabing kasunduan ay dapat ay nakasulat, maituturing ding valid ang mga verbal agreements. Kapag ang isang party ay hindi nai-fulfill ang kanilang part maari itong sampahan ng kaso.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!