Dalawang taon na ang lumipas mula ng mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at nawala sa free TV. Ngunit, hanggang ngayon ay patuloy paring pinagkukumpara ang mga show nito sa mga show mula sa GMA7.
Makikita sa mga social media platforms na patuloy pa ring pinagkukumpara ang dalawang network sa pamamagitan ng TV ratings survey results. Ano nga ba ang dahilan nito?
Matatandaang kamakailan lamang ay nagbigay ng pahayag ang isang writer ng GMA at sinasabing nangunguna sa ratings ang mga palabas ng GMA7 na kapareho sa timeslot ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN.
Bwelta naman ng ilang mga netizens, dalawang taon nang wala sa free TV ang ABS-CBN at ito ang naging dahilan kung bakit ang mga shows na ng GMA ang nangunguna sa ratings. Wala na umanong kakompetensya ang GMA7 sa free TV kaya naman dapat nang itigilan ng mga ito ang pagkukumpara ng mga ratings.
Ang mga shows ng ABS-CBN ay mapapanood na lamang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Iwantv, A2Z at ngayon sa TV5.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!