Magaganap na ang kasal ng long time celebrity couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton. Bagama't nananatiling pribadong ang petsa ng kanilang pag-iisang dibdib, tila magaganap na ito sa mga susunod na buwan ngayong taon.
Mahigit sampung taon na ang relasyon ng dalawa bilang maggirlfriend-boyfriend. Matatandaang noong 2010 unang nagkakita ang dalawa sa isang Kapamilya caravan event. Noong September 2021 naman na-engage ang dalawa. Ibinahagi naman nila ang kanilang Filipiniana-inspired prenup video and photoshoot na ginawa sa Pantabangan River sa Nueva Ecija.
Ayon sa ibinahaging post ni Jason sa Instagram, "Pinili ko ang Pantabangan, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito.
Pinalubog ang lumang bayan ng Pantabangan para bigyan daan ang pagpapagawa ng Hydroelectric Power Plant noong panahon ni President Marcos. Kasabay nito ay nawalan ng sakahan na pangunahing kabuhayan ng mga Pantabangeño. Napatubigan ang mga sakahan sa mga kalapit na bayan, at nakapag supply ng kuryente na makakadagdag sa pangangailangan ng bansa. Hangang sa ngayon, ang tanging maaasahan na ng mga kababayan ko ay ang palakasin ang turismo. Kaya iniimbitahan ko kayong lahat sa aming bayan. Marami ditong Water sports na pwede gawin. Malinis ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin, tuwing summer at mababa ang level ng tubig ay nagpapakita ang lumang simbahan sa gitna ng tubig :) "
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!