Pinaki-usapan ng aktor na si John Arcilla ang mga fans ng FPJ's Ang Probinsyano na maging mahinahon at itigil na ang pambabash sa kanya at pagpapadala ng death threats sa kanyang social media accounts.
Ayon sa kanyang post, "Sana Hindi ka Seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Kung nagagalit kayo kay Hipolito, undersrandable pero kung sakin, parang I think kailangan natin i-review ang ating sense of reality. Ang moral lesson po dito ay dapat talaga walang WAR, dahil kung itong fiction lang ay nasasaktan tayong lahat lalo na sa totoong buhay. Sabi nga Walang nananalo sa giyera. Bawat kampo ay may kanya kanyang mga kapatid anak asawa at magulang."
Nabobother na din umano siya sa mga nagbibigay ng mga threats sa kaniya dahil tila pinepersonal ng ilang mga fans ang karakter niya sa katatapos lamang na seryeng Ang Probinsyano. Kahit pa tila joke jok lang naman ang mga iyon hindi na umano nakakatuwa na pagbantaan siya sa labas ng kanyang karater sa isang serye.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!