Binawi ng suspek ang kanyang pahayag at sinabing hindi si Jovelyn Galleno ang nakitang kalansay sa Sitio Pulang Lupa, Brgy. Sta. Lourdes Puerto Prinsesa.
Ayon kay Jonalyn, kapatid ni Jovelyn Galleno, personal niyang tinanong ang isang suspek na pinsan nila kung kay Jovelyn nga ba ang kalansay na natagpuan. Ngunit itinanggi umano ito ng suspek na si Leobert.
Samantala, pinuri ni Sen. Raffy Tulfo ang chief investigator na humawak sa kaso si Jovelyn Galleno dahil sa madaling aksyon sa hinahawakan niyang kaso. Ayon kay Sen. Tulfo, maayos ang pagsagot nito sa kanyang mga katanungan at hindi pa-utal-utal.
Umaasa naman si Sen. na maresolba na ang kaso lalo na sa paglabas ng DNA test na isinagawa sa nakitang mga buto na pinaghihinalaang si Jovelyn.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!