Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pasaring ng Talent Manager at Showbiz columnist na si Ogie Diaz.
Kamakailan ay nagbahagi si Ogie Diaz sa pamamagitan ng kanyang social media post tungkol sa isang taong aniya'y sobrang OA sa pagkokomento tungkol sa nangyaring partnership ng ABS-CBN at TV5.
"OA sa reaction nung bumili ng shares ng TV5 ang Kapamilya, pero deadma sa Pharmally at Philhealth issue? Me nakasuhan na ba? Nakulong? Share niyo naman."
Hindi naman pinangalanan ni Ogie Diaz kung sino ang kanyang tinutukoy sa nasabing post. Marami tuloy sa mga netizens ang napapatanong kung sino ang kanyang pinapatamaan sa kanyang nasabing post. Ngunit, ayon sa ilang mga opinyon ng netizens tila si Rep. Rodante Marcoleta ang tinutukoy nito.
Matatandaang, naghain ng resolution si Rep. Marcoleta upang paimnestigahan ang naganap na partnership ng ABS-CBN at TV5. Ninanais din nito na magbabayad ang Kapamilya network ng administrative fine na ayon sa kanyang calculation ay aabot sa tatlong trillion.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!