Hanggang ngayon ay pinaguusapan pa rin sa iba't-ibang social media platforms ang umano'y mysteryosong pagkawala ng isang dalagang nagtatrabaho sa Robinson's Mall sa Palawan na si Jovelyn Galleno.
Ayon sa nakakabatang kapatid ni Jovelyn, hindi umano ito nakauwi noong August 5 at hanggang ngayon ay patuloy pa ring hinahanap. 6:30 ng gabi ang paglabas ni Jovelyn sa kanyang trabaho, bandang 6:38 naman nakatanggap ng chat ang kapatid nito mula kay Jovelyn na nagtatanong kung ano ang ulam. Ibig sabihin umano nito ay pauwi na ang dalaga.
Samantala, family-oriented umano itong si Jovelyn at wala ring boyfriend, ayon sa pamilya nito. Wala rin umano itong bisyo at nagpapaalam naman sa tuwing may pinupuntahan.
Base sa CCTV footages, pumasok si Jovelyn sa kanyang trabaho bandang alas 9 ng umaga ngunit hindi nakunan ng CCTV ang paglabas nito. Dahil dito, muling naungkat ang mga usap-uspan noon na may malaking taong ahas umano sa loob ng Robinson's Mall na nangangain ng tao.
Maging ang ilang mga fortune teller ay tumulong na rin sa pamilya ni Jovelyn sa pamamagitan ng kanilang card reading techniques.
Sa kabilang banda, marami ring fake news na kumakalat ngayon tungkol sa pagkawala ni Jovelyn at sa kasalukuyan niyang kalagayan ngayon. Mayroon pang gumagawa ng fake account ng dalaga at nanghihingi ng tulong. Kaya naman, nakiki-usap ngayon ang pamilya ng dalaga na itigil na ang paggawa ng kwento dahil hindi ito nakakatulong sa imbistigasyon ng mga pulis.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!