Nagbigay na ng pahayag si Lyca Gairanod hinggil sa sagot niya sa isang tanong ng show na Family kung saan naging guest sila kamakailan.
Umani kasi ng pambabatikos sa singer ang nakaraang episode ng nasabing show. Matatandaang nag-viral sa social media ang isang bahagi ng guesting ng singer sa nasabing show na ipinalabas noong Lunes, August 15.
Tinanong sila kung sa anong hayop nila inihahalintulad ang corrupt na Pulitiko. Matatandaang sagot ni Lyca, sa Tigre. Agad namang iniugnay ng ilang mga netizens sa pulitika at pinutakte ng pambabash si Lyca.
Agad namang nagbigay ng pahayag ang singer at ipinaliwanag kung bakit ito ang naisagot niya sa show. Ayon sa kanya, wala na umano siyang ibang naisip dahil naisagot na ng mga kalaban ang naiisip niyang sagot sa tanong at napi-pressure na rin umano siya sa time.
Pinagdiinan din ni Lyca na hindi niya iniuugnay ang kanyang sagot sa pangulo ng bansa na may bansag na Tigre ng Norte. Dagdag pa ni Lyca, wala na siyang magagawa kung matapos niyang magpaliwanag sa kanyang side of the story ay hindi pa rin siya pinapaniwalaan ng ibang tao. Ibinahagi lamang umano niya ang kanyang panig upang matigil na ang pambabash sa kanya at sa kanyang pamilya.
Si Lyca Gairanod ang unang nanalo sa The Voice Kids Philippines. Unti-unti niyang naiahon ang kanyang pamilya dahil sa kanyang talento.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!