Trending ngayon ang katatapos lamang na coronnation night ng Binibining Pilipinas 2022.
Maayos naman na naisagawa ang pagkakasunod-sunod ng programa. Hanggang sa dulo ng nasabing event kung saan tatawagin na ang mga kandidatang makokoronahan. Nagkaroon ng delay sa huling kandidata na makakatanggap ng korona at tatanghalin bilang Miss International.
Makalipas ang mahigit tatlong minutong delay, si Nicole Borromeo ang nakasungkit sa titulong Binibining Pilipinas, Miss International. Dahil sa nasabing delay, maraming mga netizens ang nagtatanong, kung wala nga bang palitan ng koronang nangyari.
Maging ang sikat na komedyanteng si Vice Ganda ay na-curious kung ano nga ba ang totoong nangyari at kung bakit nadelay ang pag-aanunsyo.
"Ano kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa'y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls!" komento ni Vice.
May isang netizen naman na nagkomento sa comment section ng nasabing post ni Vice. Sinabi nitong tila nagkapalit umano ng crowns sina Basiano at Borromeo na kinoronahang Miss Intercontinental at Miss International.
Mas lalong lumakas ang kutob ng ilang mga manood ng mapansin sa screen at mababasa ang mga pangalan ng kandidata at ang napanalunan nila ngunit walang pangalang inilagay sina Basiano at Borromeo.
Samantala, kumakalat ngayon ang isang video kung saan mapapanood ang isang staff umano ng BPCI na dapat si Basiano ang kokoronahang Miss International.
Dahil rito, tila nabahiran na ng kontrobersiya ang Bb. Pilipinas Coronation Night.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!