Nakikisawsaw na rin diumano ang dating Vice President na si Leni Robredo sa isyu ng dalawang controversial movies na Maid in Malacanang at Katips.
Ayon pa sa isang balita, kinilig umano ang Katips director na si Vince Tanada sa naging pahayag ni Leni Robredo. Pinuri rin umano ng dating bise presidente ang pelikulang Katips at ineendorso pa nito ang pelikula.
Ayon sa pahayag ni Leni Robredo, "Mahalaga ang mensahe na dala ng inyong pelikula lalo na sa panahon na pilit na binabago at nililihis ang kasaysayan. At marami sa ating mga kababayan ang napapapaniwala sa mga kasinungalingan. You are yet another proof that art is integral in the way we shape the world. Patuloy lang sa paglikha."
Umani naman kaagad ito ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens at ilang personalities. Ayon kay Edwin Jamora, hindi na talaga nagbago si Leni Robredo. Ipinunto pa nito na kasinungalingan lamang maging ang sinasabing kita ng Katips movie.
Samantala, narito naman ang isang review mula sa former Joma Sison propagandist. Ayon sa kanyang post, "This is just a semi-review as I am avoiding spoilers para sa mga hindi pa nakakapanood. This is also addressed to those who act like religious fundamentalists."
"After a book reading on US foreign policy on the Marcos Sr. regime, it is a movie that will show the humanity of the Marcos family. Perhaps, it is also a movie that will bring us together as a Pilipino family since we watched both Heneral Luna and Goyo. Thanks to my elder brother, we have watched another film that differs from the conventional herp-villain torpe."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!