Kamakailan ay ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagam na may isang fans ni Bea Alonzo na nagbigay sa kanya ng advice na naging dahilan na titigilan na niya ang panglalait sa aktres. Ngunit, tila muling binanatan ni Manay si Bea sa kanyang Instagram account.
Sa latest Instagram post ni Lolit Solis, tila nagtataka ito lung bakit hindi umano ipinagtatanggol ng team ni Bea ang aktres.
"Naku Salve , talagang ayaw ko ng pansinin si Bea Alonzo dahil parang waste of time na. Nagtataka ako na hindi naman siya ipinagtatanggol ng Team Bea maliban sa magpa cancel ng mga press people na tulad nyo ni Gorgy sa presscon na hindi naman sila ang gumasta, at pressured lang nila ang may ari na huwag tayo invite or else hindi darating si Lola Bea na wala naman nagawa sa sales ng product na endorser siya. Imagine mo, isang product na madali sanang mabili sa market hindi naging saleable dahil endorser si Bea Alonzo. Malulugi niyan ang mouthwash na si Bea ang nagbenta. Kawawa naman. Kasi nga negative agad ang ginawa ng Team Bea niya, nagpa cancel agad ng mga taong puwede pa sana makatulong sa kanyang palaos na career. Naku baka hindi na ma renew ang contract dahil sa mababang sales. Naku Gorgy at Salve, dapat alisin na ang sumpa, baka naman hindi si Bea Alonzo ang nagpa cancel, baka iyon Team Bea niya nag power trip lang , pero dahil nangyari na, Ok lang, basta tandaan, lahat ng sikat nalalaos, maganda nagiging pangit, bata tumatanda. Aral iyan Bea Alonzo na dapat mong pag aralan, huwag masyado ilusyonada, tumapak sa lupa, or else, baka madapa. Hah hah hah, joke joke joke."
Tila ngayon lamang na-realize ni Manay Lolit na maaring hindi naman si Bea mismo ang nagpa-cancel sa kanila kundi isa sa team nito. Samantala, patuloy pa rin ang pananahimik ni Bea Alonzo sa mga patama sa kanya ni Lolit Solis.
Tlagang d mka move on Ang mashundang itets, ikaw na nga Laos Wala pumapansin sa u, dada ka pa rin Ng dada
TumugonBurahinnakakapagod ng makita mga patutsada ng matanda na yan kay Bea. insecure na birat.
TumugonBurahinTrying hard Ang matanda Wala Ng ginawa kung manlait sa kapwa nya kitang kita Naman na sya na Ang gurang
TumugonBurahinAWARD SCAMMER... natatandaan mo pa ba tandang lolit? galing mong mag engineer para manalo ang alaga mo. Sinaktan mo si Ruffa in the process. ob ob mo talaga.
TumugonBurahin