Tila hindi pa talaga natatapos ang pambabatikos ni Lolit Solis kay Bea Alonzo sa kanyang Instagram account. Ngunit, tila sumubra na ang kolumnista dahil maging ang Start Up Korea ay idinawit na niya sa isyu niya kay Bea Alonzo.
Matatandaang kamakailan lamang ay muling nilait ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post si Bea Alonzo. Ayon sa kanya galing umano sa Start Up Korea ang pagsasabing mukhang matanda na si Bea para sa lead role ni Suzy at hindi nababagay kay Alden Richards dahil mukhang tita na umano ito. Ayon pa kay Lolit nag-react umano ang Korea kung bakit mukang tita at matandang kita na umano ang wrinkles ang pinili.
Ngunit, ayon sa GMA Entertainment Executive, walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Lolit Solis at puro kasinungalingan na nagreact ang Korea sa pagkapili kay Bea Alonzo para gumanap sa female lead ng Philippine adaptation ng Start- Up.
Ayon kay Cheryl Ching-Sy, Vice President ng Drama Productions, "It is not true. The Korean producers of Start-up did not react to Bea Alonzo's look or appearance in her role. Bea, in fact was approved by the Korean producers. Should these be further insinuations pertaining to this matter, we wish to clarify that these are not true."
Samantala, napuna naman ng ilang mga netizens ang umano'y kapabayaan ng GMA7 na alagaan ang kanilang talents sa kabila ng pambabastos ni Lolit Solis. Matatandaang ilang beses na itong ginawa ni Manay sa kabila ng pananahimik ni Bea Alonzo. Dapat na umanong kasuhan si Lolit Solis dahil sa ginagawa nito kay Bea.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!